MANILA, Philippines – Aabot sa may kabuuang siyam na impormante ang paghahatian ang PHP1.8 milyon na pabuya mula sa Philippine National Police (PNP) para sa pagbibigay ng impormasyon na humantong sa pagkakaaresto sa siyam na most wanted criminals.
Ayon sa PNP natanggap ng mga impormante ang pabuya sa simpleng seremonya sa PNP Intelligence Training Group sa Camp Crame, Quezon City noong Nobyembre 15, sinabi ng PNP sa isang pahayag noong Huwebes.
Sinabi ni PNP director for intelligence Brig. Gen. Westrimundo Obinque na ang impormasyon na ibinigay ng mga tipsters ay nagresulta sa pagkakahuli sa mga pugante na sangkot sa mga seryosong krimen tulad ng pagpatay, panggagahasa, homicide at illegal possession of firearms.
Aniya, nahaharap sa legal na paglilitis ang mga nahuli na kriminal, na matagal nang umiwas sa batas.
Kaugnay nito nauna nang binigyang-diin ni PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil ang kahalagahan ng pagtutulungan ng komunidad sa pagpapatupad ng batas.
Samantala aniya, ang monetary reward system ng PNP ay isang mahalagang bahagi ng diskarte nito upang hikayatin ang pakikilahok ng publiko sa pagtugon sa mga banta na may kinalaman sa seguridad. (Santi Celario)