Manila, Philippines- Inaasahang maglalabas ng opisyal na pahayag ang GMA tungkol sa ilang pagbabago sa programming nito.
Nalathala sa PEP na may tinge of truth o bahid ng katotohanan ang kumakalat na balitang hanggang December ng kasalukuyang taon na lang ang It’s Showtime.
Matatandaang it was on April 6 this year when the Vice Ganda-led noontime show began its airing on GMA.
Galing muna ito sa GTV, sister network ng GMA.
For sure, the show’s cancellation will leave its loyal viewers depressed.
Kasabay nito’y iaanunsyo na rin daw ng GMA ang ipapalit sa Showtime beginning January 2025.
Balitang ang pre-programming nitong TiktoClock will occupy the vacant time slot.
Ito’y para bigyang daan ang idadagdag pang game segments nito.
TiktoClock occupying the 12 noon timeslot belies rumors na magbabalik sa GMA ang Tape, Inc.
Matatandaang bago nagkaroon ng rigodon, nasa GMA ang bagong Eat Bulaga na hawak pa rin ng mga Tuviera.
Samantala, ang original Eat Bulaga na tinitimon nina Tito, Vic and Joey ay lumipat na sa TV5.
In the event of this impending shakeup, mapapanood pa rin naman sa ibang platforms ang Showtime.