Home NATIONWIDE 9 lasing na drayber laglag sa operasyon sa Cebu

9 lasing na drayber laglag sa operasyon sa Cebu

115
0

MANILA, Philippines – Naaresto ang siyam na drayber na nagmamaneho umano kahit nakainom, sa pinagsanib na road safety operation sa Cebu City kasabay ng pinaigting na kampanya laban sa reckless at dangerous driving.

Ang operasyon na isinagawa nitong Sabado, Abril 11, sa F. Cabahug Street, ay pinangunahan ng Land Transportation Office sa Central Visayas (LTO-7), sa pakikipag-ugnayan sa LTO Central Office at Philippine Coast Guard–Special Operations Task Group (PCG-SOTG).

Sa kalatas, sinabi ng LTO-7 na ang crackdown ay nagresulta sa pag-iisyu ng 49 temporary operator’s permits (TOPs) at pagkakatala ng 54 traffic violations.

Siyam na motorista naman ang nagpositibo sa pagmamaneho sa ilalim ng impluwensiya ng alak na paglabag sa Republic Act No. 10586, o Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013.

Target din sa operasyon ang pagtugon sa Republic Act No. 4136, o Land Transportation and Traffic Code, maging sa iba pang safety laws sa mga motorista.

Kabilang pa sa ibang mga violation na naitala ay ang mga sumusunod:

14 kaso ng helmet law violations (Republic Act No. 10054)
12 seatbelt law violations (Republic Act No. 8750)
10 unregistered motor vehicles
2 kaso ng motorsiklo na may sakay na pasahero na higit sa pinapayagang bilang
3 sasakyan na may defective parts o pudpud na gulong
Additional offenses, katulad ng obscured license plates at iba pang regulatory breaches

Agad naman na inimpound ang mga nahuling sasakyan at itinurn-over sa Traffic Enforcement Unit ng Cebu City Transportation Office (CCTO), ayon sa umiiral na procedure. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here