Home NATIONWIDE 9 lugar nakaambang makaranas ng ‘danger level’ heat index ngayong Lunes, Abril...

9 lugar nakaambang makaranas ng ‘danger level’ heat index ngayong Lunes, Abril 8, 2025

MANILA, Philippines- Mahaharap ang siyam na lugar sa bansa sa  “danger level” heat index ngayong Martes, ayon sa PAGASA.

Batay sa 5 p.m. April 7 bulletin, sinabi ng state weather bureau na posibleng umabot ang Virac (Synop), Catanduanes sa 44°C temperature habang nagbabadyang tumama ang heat index na 43°C sa Sangley Point, Cavite City.

Sinabi pa ng PAGASA na makararanas ang mga sumusunod na lugar ng 42°C heat index:

  • Dagupan City, Pangasinan

  • Cubi Pt. Subic Bay, Olongapo City

  • San Jose, Occidental Mindoro

  • Cuyo, Palawan

  • Roxas City, Capiz

  • Iloilo City

  • Dumangas, Iloilo

Sa Metro Manila, nagbabadya sa NAIA Pasay City ang heat index na 41°C, habang nahaharap ang Science Garden Quezon City sa 38°C. RNT/SA