Home METRO 9 mangingisda nasagip sa Antique

9 mangingisda nasagip sa Antique

261
0

MANILA, Philippines – Nasagip ng Coast Guard District Western Visayas (CGDWV) ang siyam na mangingisda matapos lumubog ang kanilang motorbanca, sa layong 19 nautical miles timog-kanluran ng Nogas Island, Anini-y, Antique, noong Disyembre 8, 2025.

Nagsagawa ng search and rescue operations ang BRP Kalanggaman (FPB-2404) at nagbigay ng tulong medikal sa lahat ng nasagip na indibidwal sakay ng FBCA Kimsyvel na pawang nasa stable na kondisyon.

Ayon sa PCG, nanatiling matatag ang CGDWV sa pangako nitong pangalagaan ang mga buhay sa dagat sa pamamagitan ngĀ  tuluy-tuloy na patrol at mabilis na pagtugon sa emerhensiya.

Lubos na hinihikayat ng PCG ang publiko na iulat ang anumang maritime distress sa pamamagitan ng mga opisyal na channel ng Philippine Coast Guard. Jocelyn Tabangcura- Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here