Home METRO 9 na insidente ng pagkalunod naitala sa Ilocos

9 na insidente ng pagkalunod naitala sa Ilocos

ILOCOS SUR-Nakapatala ng siyam na kaso ng drowning incident ang Region 1 nitong katatapos lang na Semana Santa.

Base sa record ng Police Regional Office 1, pito ang drowning incident sa lalawigan ng Pangasinan samantalang dalawa naman sa Ilocos Sur.

Ang mga lugar na may drowning incident ay ang Brgy. Baybay Lopez, Bimmaley, Pangasinan; Brgy. Nibaliw West, San Fabian, Pangasinan; Brgy. San Roque, San Manuel, Pangasinan; Agno River ng Brgy. Carmay West, Pangasinan; Sitio Tomoro, Brgy. Poblacion, Anda, Pangasinan; Brgy. Nibaliw West, San Fabian, Pangasinan; Brgy. Mantanas, Sta. Cruz, Ilocos Sur; at Brgy. Calungboyan, Candon City, Ilocos Sur.

Sa siyam na drowning incident na ito, anim ang idineklarang patay, dalawa ang nasagip at isa ang nawawala.

Kinumpirma naman ni Police Brigadier General Lou F. Evangelista, Regional Director, na naging generally peaceful ang paggunita ng Holy Week sa buong rehiyon.

“I commend the men and women of PRO1 for their sincere efforts, dedication and hardwork in ensuring the peaceful observance of the Lenten Season. Ang inyong pagod at sakripisyo ay nagbunga ng isang maayos at SECURED na Semana Santa,” wika ni Evangelista. Rolando S. Gamoso

Previous articleRabies awareness program sa Ilocos pinaigting
Next articleUPDATE: Patay sa Taiwan quake, 4 na