Home NATIONWIDE UPDATE: Patay sa Taiwan quake, 4 na

UPDATE: Patay sa Taiwan quake, 4 na

TAIWAN – Umakyat na sa apat ang bilang ng mga nasawi sa magnitude 7.2 na lindol na tumama sa Taiwan nitong Miyerkules, Abril 3.

Ito na ang pinakamalakas na lindol na tumama sa isla sa nakalipas na 25 taon.

Bukod sa apat na nasawi sa eastern county ng Hualien, mahigit 50 rin ang mga nasaktan.

Aabot naman sa 26 na gusali ang gumuho, mahigit kalahati ay sa Hualien, habang 20 katao ang na-trap at nagpapatuloy ang rescue work para rito. RNT/JGC

Previous article9 na insidente ng pagkalunod naitala sa Ilocos
Next articleMga sakit sa balat at sore eyes nararanasan na sa mga kulungan – BJMP