Home NATIONWIDE Mga sakit sa balat at sore eyes nararanasan na sa mga kulungan...

Mga sakit sa balat at sore eyes nararanasan na sa mga kulungan – BJMP

MANILA, Philippines – Sunod-sunod na ang kaso ng sore eyes at pigsa sa mga persons deprived of liberty (PDLs) sa iba’t ibang kulungan sa bansa.

Ito ang iniulat ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa gitna ng nararanasan na nakapapasong init.

“Sa katunayan po meron na po kami reported na mga sore eyes, mga skin diseases… pero nakahanda naman po kami.”

Tiniyak naman ni BJMP Jail Director Raul Rivera na handa naman ang ahensya para agapan ang mga napaulat na kaso ng sore eyes at skin diseases sa mga bilanguan.

Aniya, mayroon mahigit 100 kaso na ang naitala sa National Capital Region habang may tig-isa na kaso ang naiulat sa mga rehiyon.

Kumikilos na ang BJMP upang maagapan ang problema para hindi na kumalat at maiwasan ang hawaan at paglala ng sitwasyon.

Kabilang sa mga nakitang solusyon ng BJMP ay ang dagdag na ventilation sa mga selda gaya ng paglalagay ng mga ceiling fans at industrial fans at paglalagay ng mga ventilation shafts.

Sa halip din aniya na ibilad sa araw ang mga PDL, dinadala sila sa mga malilim na lugar.

Samantala, wala naman problema ang BJMP sa distribusyon ng tubig sa PDLs.

Sinabi ni Rivera na nakipag-ugnayan na sila sa Bureau of Fire Protection (BJMP) at sa mga local government unit para matiyak na walang mararanasan na water shortage. Teresa Tavares

Previous articleUPDATE: Patay sa Taiwan quake, 4 na
Next articleKelot na armado ng baril, bagsak sa selda