MANILA, Philippine- Tinukoy ng UK-based think tank Oxford Economics ang siyam na lungsod sa Pilipinas na kabilang sa largest urban economies sa buong mundo.
Sa Oxford Economics Global Cities Index, na tumutukoy sa 1,000 largest cities sa buong mundo, Manila ang pinakamalaking lungsod sa Pilipinas subalit hindi ito itinuturing na major player sa global scale.
Iniulat ng Oxford Economics report na hindi nito tinukoy kung ang “Manila” ay kumakatawan lamang sa capital city o kasama ang buong metropolitan area sa National Capital Region (NCR). Hindi rin kasama sa report ang iba pang lungsod sa NCR bukod sa Manila.
Ibinabase ng Oxford Economics ang ranggo sa limang kategorya: ekonomiya, human capital, kalidad ng buhay, kapaligiran, at governance.
“By analyzing these five dimensions in depth, the Global Cities Index provides a nuanced understanding of each city’s strengths and areas for improvement, empowering policymakers, investors, employers, and residents to make informed decisions,” wika ng Oxford Economics.
Kabilang sa 1,000 urban economies sa buong bansa, pumwesto ang Manila sa ika-256, na mas mataas sa global average scores, bagama’t hindi kabilang sa top-performing cities.
Kabilang din sa iba pang siyudad na pumasok sa global rankings ang Cebu City sa ika-436 na pwesto, Cagayan de Oro (487), Davao City (500), Angeles City(502), Bacolod (538), Dagupan (604), Zamboanga (695), General Santos (723).
Sa 2024 Global Cities Index, nanguna sa listahan ang New York.
Sinundan ito ng London at ng San Jose, Tokyo, at Paris. RNT/SA