MANILA, Philippines – Pumili ang Commission on Elections (Comelec) ng siyam na clustered precincts sa Negros Oriental para sa random manual audit ng mga balota sa Mayo 12 pambansa at lokal na halalan.
Tutukuyin ng random manual audit ang katumpakan ng mga resulta ng mga automated na botohan, na hinihiling ng batas na 99.97 porsiyentong tumpak.
Sinabi ni Atty. Eddie Aba, Comelec-Negros Oriental provincial election supervisor na ang mga kahon na naglalaman ng balota at iba pang election documents ay ipapadala sa Manila ngayong Sabado.
Ang mga boxes ay idedeliver sa Comelec provincial office at lahat ay na-account.
Pumili ang Comelec ng tatlong clustered precincts mula sa Bais City, Guihulngan City at Bayawan City sa pamamagitan ng raffle.
Sinabi ni Comelec-Negros Island Region Director Lionel Marco Castillano na ang random manual audit ay hindi magbabago sa resulta ng lokal na halalan na nagpapawalang -bisa sa mga nakikitang iregularidad.
Sinabi ni Castillano na sa mga kumikwestyon sa resulta ng local elections sa Dumaguete City at Negros Oriental ay maaaring maghain ng election protest sa regional trial courts. Jocelyn Tabangcura-Domenden