Home NATIONWIDE 9 pulis patay sa mga magnanakaw sa Pakistan

9 pulis patay sa mga magnanakaw sa Pakistan

236
0

PAKISTAN – Tinambangan ng mga armadong magnankaw na may dalang mga baril at rocket-propelled grenades ang convoy ng mga pulis sa Pakistan nitong Huwebes, Agosto 22.

Nasa siyam na pulis ang nasawi dahil sa naturang pag-atake.

Ayon sa police and interior ministry, nangyari ang pag-atake sa southern Pakistani district ng Rahim Yar Khan.

Sa pahayag ng pulisya, inatake ng mga magnanakaw ang dalawang police atrol malapit sa border sa pagitan ng dalawang probinsya.

Kinondena ni Pakistan interior ministry at Prime Minister Shehbaz Sharif ang pag-atake at inatasan ang liderato ng pulisya na aksyunan ito agad at habulin ang mga salarin.

Bagamat itinaas ng interior ministry sa 11 ang death toll ay siyam pa lamang ang nakumpirma. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here