Home HOME BANNER STORY 9 suspek sa Degamo slay malaya pa rin matapos ang isang taon...

9 suspek sa Degamo slay malaya pa rin matapos ang isang taon ng krimen

CEBU CITY – Hindi pa rin naaaresto ang siyam na suspek sa pagpatay kay Negros Oriental Gov Roel Degamo, isang taon na ang nakararaan matapos ang krimen.

Sinabi ni Police Lt. Col. Gerard Ace Pelare na naglabas na ng warrant of arrest laban sa siyam na suspek na miyembro ng mga armadong grupo o gun-for-hire.

Sinabi ng tagapagsalita ni Police Regional Office-Central Visayas chief Police Brig. Gen. Anthony Aberin na posibleng tumakas na sa probinsiya ang siyam na suspek.

Dagdag pa ni Pelare na nasa 20 katao ang sangkot sa krimen at ang ilan ay nakakulong na.

Matatandaan na noon ay pinasok ng mga armadong lalaki ang compound ng pamilya Degamo at piangbabaril ang gobernador, habang nagsasagawa ng pagtulong sa kanyang mga nasasakupan noong Marso 4 noong nakaraang taon.

Pitong iba pang tao ang namatay at 17 iba pa ang nasugatan sa mapangahas na pag-atake.

Si dating Negros Oriental Rep. Arnulfo Teves ay nadawit bilang pangunahing suspek sa pag-atake. Apat na suspek ang naaresto ilang sandali matapos ang krimen.

Hindi binabalewala ni Pelare ang posibilidad na mayroon pa ring mga armadong grupo sa Negros Oriental ngunit tiniyak nito na mapayapa na ang lalawigan. RNT