Home OPINION NAMAMAYAGPAG SI TULFO

NAMAMAYAGPAG SI TULFO

SA huling survey ng WR Numero na ginawa noong Disyembre, na ang resulta ay nitong weekend lang isinapubliko, nangunguna si Senator Raffy Tulfo sa mga napipisil ng mga sumusuporta sa oposisyon na maging susunod na pangulo ng bansa para sa eleksiyon sa 2028.

Sa survey, ang opposition voters ay nagbigay sa kanya ng 35% ng kanilang suporta. Bulusok ang pag-angat niyang ito, lalo na at labis ang popularidad ng opposition leaders na tulad ni dating bise presidente Leni Robredo, na pumapangalawa sa kanya sa survey sa nakuhang 23.5%.

Ang survey numbers ni Tulfo ay nagpapakita ng nagbabagong dynamic, ngayong nasa ikatlong puwesto na si Vice President Sara Duterte-Carpio para sa mga sumusuporta sa oposisyon, sa 17.5%. Ang interesante pa, bagamat nangunguna si Duterte-Carpio sa mga tagasuporta ng administrasyon, namamayagpag naman ang karisma ng bagitong senador sa buong Luzon, pasilip sa posibleng bentahe niya sa rehiyon.

Sinasabi ng ilan na ang pagpabor ng marami kay Tulfo ay senyales na kinasasawaan na ang mga tradisyonal na pulitiko, nagpapakita ng kagustuhan ng mga botante ng pagbabago. Ang pagpuwesto niya sa mga pinakapinaborang senador sa halalan noong 2022 ay lalo pang nagpalakas sa kanyang posisyon bilang isang matinding kalaban sa halalan.

Samantala, ang nagkalamat nang alyansa sa pagitan nina Duterte-Carpio at President Bongbong Marcos ay nagpapakita naman sa lumalalim na alitan sa mismong administrasyon. Ang isa sa mga pangunahing sanhi ng away ay ang imbestigasyon ng International Criminal Court laban sa hinalinhan ni Marcos, si Rodrigo Duterte, na ama ni Inday Sara.

Nagbabago na rin ang pananaw ng bayan sa isyu, kung saan, sa huling survey ay natukoy na dumadami ang mga Pilipinong pabor nang pahintulutan ang pagsisiyasat ng ICC.

Sa gitna ng kawalang katiyakan o ng personal kong napupusuan, malinaw na ang pamamayagpag ni Tulfo ay kumakatawan sa isang potential catalyst ng pagbabagong politikal, isang pagtalikod sa mga nakagisnang dinastiya ng mga pulitiko at isang hakbang patungo sa bagong pamumuno.

                                        *         *         *

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-post sa @Side_View sa X app (dating Twitter).

Previous article9 suspek sa Degamo slay malaya pa rin matapos ang isang taon ng krimen
Next articleIWAS SUNOG PARA SA KINABUKASAN