Home NATIONWIDE 90-araw na rebyu vs dekadang epekto: ‘Minamadaling’ Energy Policy ng ADB, binira...

90-araw na rebyu vs dekadang epekto: ‘Minamadaling’ Energy Policy ng ADB, binira ng CSOs

253
0

MANILA, Philippines – Mariing binatikos ng grupo ng civil society organization (CSO) mula sa iba’t ibang panig ng Asya ang ‘minamadaling’ tatlong buwang review ng Asian Development Bank (ADB) sa 2021 Energy Policy nito—kahit pa nakataya rito ang kinabukasan ng enerhiya ng rehiyon sa gitna ng lumalalang krisis sa klima.

Ayon sa NGO Forum on ADB, batay sa internal schedule ng bangko, ang 90-araw na review ay hindi lamang kakulangan sa oras, kundi isang sadyang maniobra para iwasan ang tunay na konsultasyon sa publiko—lalo na sa mga komunidad na apektado ng mga proyekto ng ADB.

“Rushing the Energy Policy review in the middle of a worsening climate crisis is reckless and unacceptable,” ayon kay Rayyan Hassan, Executive Director ng NGO Forum on ADB.

“A credible energy policy demands full transparency, democratic participation, and a clear break from fossil fuels and destructive infrastructure. Anything less is a betrayal of the region’s right to a just, equitable, and climate-resilient future,” dagdag pa niya.

‘Green’ Kuno

Kabilang sa ibinabala ng Forum network sa maikling proseso ay ang posibilidad ng pagsingit ng mga mapaminsalang proyekto tulad ng fossil gas plants, mega-dams, at waste incinerators—na madalas ipinoposisyon sa publiko bilang bahagi ng ‘green’ o ‘just transition’ ng ADB.

Ayon kay Jaybee Garganera ng Alyansa Tigil Mina, kapansin-pansin na lumilihis ang ADB Energy Policy patungo sa mga extractive projects gaya ng pagmimina, gas, at coal na nakakasira sa kalikasan at nakaaapekto ng matindi sa mga komunidad.

“ADB must not support extractive projects that are violating environmental laws, are non-compliant with their own contractual obligations, tend to spread misinformation or exploit lack of access to information, and fail to promote or fulfill human rights obligations,” dagdag pa ni Garganera.

Nuclear comeback? 

Ibinabala rin ng Forum network ang pagiging bukas ng Manila-based bank sa nuclear projects at co-firing technologies sa coal—na anila’y lantad na pagtalikod sa sariling climate commitments ng ADB.

“The ongoing Energy Policy Review raises serious concerns, including the lifting of the ban on nuclear investments and supporting co-firing technologies under coal retirement schemes, signal a dangerous move that derails its climate commitments and deepens complicity with major climate polluters,” ani Nazareth Del Pilar, Just Transitions Advocacy Officer at NGO Forum on ADB.

Climate Justice, inabandona? 

Giit pa ng Forum, ang patuloy na pagpopondo ng ADB sa extractive projects ay malinaw na pag-abandona sa pananagutan at hustisyang pangklima.

Sa inilabas na advisory opinion ng International Court of Justice (ICJ), binigyang-diin na ang kawalan ng aksyon sa klima—lalo ng malalaking institusyon—ay maaaring ituring na paglabag sa internasyonal na batas.

Sa huli, iginiit ng grupo na hindi maitataguyod ang isang ligtas at matatag na kinabukasan para sa Asya kung ito’y bubuuin sa minadaling proseso. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here