Home HOME BANNER STORY 91% ng mga Pinoy ‘di tiwala sa China – OCTA survey

91% ng mga Pinoy ‘di tiwala sa China – OCTA survey

MANILA, Philippines – Walang tiwala ang mga Filipino sa China.

Ito ang resulta ng pinakabagong Tugon ng Masa survey ng OCTA Research kung saan 91% ng mga Filipino ang hindi kumbinsido sa China.

Mas mataas ito kaysa sa distrust rating sa China mula pa noong Pebrero 2022.

Ang trust rating sa mga rehiyon sa bansa ay mula 5% hanggang 15%, pinakamataas dito ay mula sa Mindanao.

Nagpahayag naman ng higit na pagtitiwala sa China ang Class ABC sa 83% kaysa sa Classes D at E.

“The percentage of China’s distrust ratings decreased by ten percentage points among adult Filipinos in Class ABC, from 93% to 83%. In contrast, China’s distrust ratings increased from 89% to 92% and 92% to 91% among adult Filipinos in Class D and Class E, respectively,” paliwanag ng OCTA.

Samantala, nananatiling mataas ang trust rating ng mga Pinoy sa Estados Unidos sa mahigit 85% mula pa noong Hulyo 2021.

Ang survey ay isinagawa sa pamamagitan ng face-to-face interviews ng 1,200 respondens sa buong bansa mula Marso 11 hanggang Marso 14.

Mayroon itong margin of error na ±3% margin of error sa 95% confidence level at ±6% subnational margin of error para sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas, and Mindanao sa 95% confidence level.

Sa naunang pag-aaral, napag-alaman na karamihan sa mga Filipino ay nakikita ang China bilang malaking banta sa Pilipinas.

Napag-alaman din sa isa pang survey na naniniwala ang mga Filipino na dapat isaprayoridad ng pamahalaan ang pagpapalawak ng naval patrols at presensya sa West Philippine Sea. RNT/JGC