Home NATIONWIDE 91 PWDs nakakumpleto ng vocational training sa DSWD

91 PWDs nakakumpleto ng vocational training sa DSWD

MANILA, Philippines – Aabot sa 91 persons with disabilities (PWDs) ang opisyal nang nakakumpleto ng social at vocational rtaining sa National Vocational Training Center (NVRC) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Quezon City.

Nitong Biyernes, Mayo 10, nagtapos ang mga ito matapos sumailalim sa skills training sa housekeeping at janitorial services, dressmaking, adaptive computer for the visually impaired, massage therapy, beauty care and hairdressing, computer software, food service management, at social rehabilitation.

Sa mensahe kasabay ng graduation rites, sinabi ni Assistant Secretary for International Affairs, at Attached and Supervised Agencies Elaine F. Fallarcuna na ang pagtatapos ng mga ito ay nagpapakita ng pagsisikap ng mga lumahok na harapin ang mga pagsubok at ipakita ang kanilang commitment sa personal at professional growth.

“Each graduate embodies the spirit of resilience, complementing that with hard work, determination, and support, any obstacle can be overcome. These graduates have not only embraced their unique talents and abilities, but have also exemplified unwavering determination, resilience, and dedication throughout their vocational and rehabilitation journey,” ani Fallarcuna.

Ang NVRC ay isang non-residential facility ng DSWD – National Capital Region, na nagbibigay ng mga programa at serbisyo para tulungan ang mga naka-enroll na PWD at iba pang vulnerable groups na mapaunlad ang kanilang independent skills at positive attitude.

Nagbibigay ito ng learning environment na magdudulot sa mga ito na maging mas mabuting indibidwal pagdating sa pagdedesisyon, pagbabahagi ng kanilang mga ideya, pakikipag-ugnayan sa ibang tao at pagpapabuti ng economic conditions ng mga ito.

Siniguro naman ng DSWD ang patuloy na suporta sa vulnerable sectors sa pag-abot sa kanilang full potential sa pamamagitan ng mga programa at serbisyo na iniaalok sa NVRC. RNT/JGC