Home NATIONWIDE Mayor inireklamo ng may-ari ng resort sa Bohol sa ‘excessive force’ sa...

Mayor inireklamo ng may-ari ng resort sa Bohol sa ‘excessive force’ sa pagpapasara

MANILA, Philippines – Naghain ng reklamo ang may-ari ng resort sa Panglao, Bohol na kamakailan ay ipinasara dahil sa kakulangan ng business permit, sa alkalde ng bayan na si Mayor Edgardo “Boy” Arcay at iba pa dahil sa “excessive force” kasabay ng pagpapasara rito.

Inihain noong Abril 26 ang criminal at civil cases sa Office of the Provincial Prosecutor ng Tagbilaran, Bohol, 10 araw matapos na atasang ipasara ang resort.

Si Arcay ang pumirma at nagsilbi ng closure order laban sa Villa Tomasa-Alona Kew White Beach Resort.

“We, the management of the Villa Tomasa- Alona Kew Hotel Resort, have expressed fear and utmost disappointment to the recent action taken by some individuals headed by Panglao, Bohol Mayor Edgardo “Boy” Arcay for using excessive force to close out their resort two weeks ago,” ayon sa pamunuan.

Idinagdag pa na naiwang “traumatized” ang 300 empleyado, at mga turista na tumutuloy sa resort dahil sa ‘horrible incident.”

Nirentahan ng pamilya Guardo mula Cebu ang Alona Kew White Beach Resort at inilunsad bilang Villa Tomasa-Alona Kew White Beach Resort noong Marso 2023.

Kalaunan ay nagdesisyon ang may-ari at pamunuan ng Alona Kew White Beach Resort na i-take over ang pamamahala sa resort.

Sinabi ng pamunuan ng ipinasarang resort na mayroon pa silang natitirang apat na taon mula sa five-year lease agreement.

“The management also warns unscrupulous individuals who will be taking advantage of the resort’s current situation not to go to any negotiations without the full knowledge of the owner of the Villa Tomasa-Alona Kew Hotel Resort.” RNT/JGC