Home NATIONWIDE Pinas hindi lugar para sa masasamang dayuhan-Remulla

Pinas hindi lugar para sa masasamang dayuhan-Remulla

MANILA, Philippines – Inatasan ng Department of Justice ang mga otoridad na tiyakin na malakas ang mga kasong isinampa laban sa mga Chinese national na sangkot sa iligal na aktibidad sa online gaming hub na sinalakay kamakailan.

Naghain ng 8 pahinang complaint affidavit ang Philippine National Police -Luzon Field Unit – Women and Children Protection Center (PNP-LFU-WCPC) laban sa 26 na Chinese nationals sa serious illegal detention at paglabag sa anti-trafficking laws.

“The Philippines is no haven for sinister aliens, ensure airtight cases are filed against them,” anang kalihim.

Sinabi ng DOJ na ito na ang ikatlong bugso ng mga kaso laban sa Smart Web Technology Corp., isang Philippine offshore gaming operator (POGO) na sinasabing sangkot sa prostitusyon at human trafficking kaya sinalakay ang lugar noong Oktubre. Nasa 700 Filipino at foreign nationals ang nailigtas.

Naideport na ang 180 Chinese nationals na naaresto sa raid.

“Over the years, the Philippines has always welcomed foreigners with open warms demonstrating how hospitable and loving Filipinos are. However, it is the State’s responsibility to protect its citizenry when offending foreigners abuse the warmth embrace and generosity of our people,” dagdag ni Remulla.

Magugunita na hinikayat ng mga mambabatas ang gobyerno na tanggalin na ang POGO sa bansa dahil nagiging pugad ito ng human trafficking, sex trafficking, corruption, harassment at iba pa. Teresa Tavares