Home NATIONWIDE 5K puno ng kape patutubuin kada taon sa La Trinidad, Benguet

5K puno ng kape patutubuin kada taon sa La Trinidad, Benguet

MANILA, Philippines – Target ng lokal na pamahalaan ng La Trinidad, Benguet na magtanim ng nasa 5,000 puno ng kape kada taon, o 25,000 puno sa susunod na limang taon.

“We encourage our barangay officials and residents to plant coffee, which is also one way of reducing the effect of global warming. It is also a promotion of environment protection,” sinabi ni Nida Organo, municipal agriculture officer, nitong Biyernes, Mayo 10.

Sa paparating na tag-ulan, magpapatuloy ang pagtatanim ng puno ng kape sa communal forest ng munisipalidad at open spaces sa mga paaralan.

Hinimok ang mga residente na magtanim din sa kani-kanilang bakuran.

“Maganda din ito at umiinit na ang paligid, para makatulong tayo na lumamig ang kapaligiran,” ani Organo.

Sinabi pa na ang mga bulaklak ng coffee trees ay nagdaragdag sa pagiging aesthetic ng mga bakuran.

Ayon pa kay Organo, marami silang mga coffee seedling sa kanilang nursery, na magagamit sa pagtatanim.

“We have a coffee festival ordinance and one of the provisions is to improve the production so that we can meet the coffee beans demand in the market,” aniya.

Ang ordinansa ay ipinakilala para palakasin ang coffee industry sa La Trinidad kung saan mayroon na ngayong 750 magsasaka sa pito sa 16 na barangay ng naturang bayan.

Sa kasalukuyan, mayroong 99,000 fruit-bearing coffee trees kung saan ang mga magsasaka ay nakakapag-harvest ng kalahating kilo sa bawat puno tuwing harvest season.

“Our dream is to increase the productivity through research to be done in partnership with the Benguet State University,” aniya. RNT/JGC