Home NATIONWIDE Mga poste ng kuryente nagtumbahan sa Sta. Cruz, Maynila

Mga poste ng kuryente nagtumbahan sa Sta. Cruz, Maynila

MANILA, Philippines – Nagtumbahan ang mga poste sa Ronquillo Street, Sta. Cruz, Manila matapos na masagi ng dumaang trak.

Dahil dito ay kinailangang isara ang kalsada sa naturang lugar.

Nagpapatuloy ang clearing operation upang muling mabuksan ang kalsada.

Samantala, siniguro ng telecommunications company na maibabalik sa normal ang operasyon ng kanilang mga serbisyo sa apektadong mga residente. RNT/JGC