Home NATIONWIDE Mga aurora namataan sa iba’t ibang panig ng mundo sa matinding solar...

Mga aurora namataan sa iba’t ibang panig ng mundo sa matinding solar storm

MANILA, Philippines – Nagdulot ng kabi-kabilang auroras ang pinakamalakas na solar storm na tumama sa mundo sa nakalipas na dalawang dekada.

Sa ulat, nakita ang mga aurora mula Tasmania sa Australia hanggang sa United Kingdom.

Ang unang coronal mass ejections, o pagpuslit ng plasma at magnetic fields mula sa araw ay dumating 1600 GMT, ayon sa National Oceanic and Atmospheric Administration (NOAA) – Space Weather Prediction Center.

Itinaas ang kategorya ng solar storm bilang “extreme” geomagnetic storm. Ang huling pagkakataon na ganito katindi ang solar storm ay noong Oktubre 2003 na nagdulot ng malawakang blackouts sa Sweden at South Africa.

Inabisuhan na ng mga awtoridad ang mga satellite operator, airlines at power grid na paghandaan ang posibleng pagkaantala o pagbabago sa magnetic field ng mundo. RNT/JGC