Kumpirmadong nasawi si Yvette Shmilovitz, isang 95 taong gulang na Holocaust survivor, bilang ika-apat na namatay sa Iran missile strike sa Petah Tikva, Israel noong Hunyo 16.
Nagluksa ang alkalde ng Petah Tikva na si Rami Greenberg, na tinawag silang mga “minamahal na tao” na nais lamang mamuhay nang payapa.
Naiwan si Shmilovitz ng tatlong apo at apat na mga apo sa tuhod.
Iginagalang ng Holocaust Survivors’ Rights Authority ang kanyang alaala at nag-alok ng suporta sa pamilya niya.
Kasama niya sa nasawi ang tatlo pang tao, at umabot sa 24 ang namatay at higit 1,300 ang nasugatan mula sa pag-atake.
Isinagawa ng Israel ang mga preemptive strikes laban sa mga nuclear site ng Iran matapos matuklasan na malapit na raw makagawa ng nuclear weapons ang Tehran.
Binalaan ng mga opisyal ng Israel na malaki ang banta ng mga programa ng Iran sa nuclear at missile laban sa Israel. RNT