Home METRO Sugatang bombmaker, dinamba sa S. Kudarat

Sugatang bombmaker, dinamba sa S. Kudarat

MANILA, Philippines – Naaresto ng mga pwersa ng gobyerno ang isang umano’y eksperto sa paggawa ng bomba ng grupong teroristang Dawlah Islamiya (DI) matapos ang sagupaan sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.

Ayon kay Brig. Gen. Vladimir R. Cagara, nakipagbakbakan ang mga sundalo laban sa DI Salahuddin Hassan Group sa barangay Alamada noong Lunes.

Nahuli ang sugatang suspek na si Kamsa Budjal at dinala sa ospital. Nakuha mula sa kanya ang mga riple, shotgun, mga gamit sa paggawa ng bomba, at iba pang kagamitan.

Pinuri ni Major Gen. Donald Gumiran ang mga sundalo sa kanilang propesyonalismo at nanawagan sa natitirang mga terorista na tanggapin ang alok ng gobyerno para sa kapayapaan. RNT