MANILA, Philippines – Nasawi ang 52-anyos na lalaki habang 10 sasakyan ang nadamay sa hit-and-run incident nitong Biyernes ng gabi, Enero 31 sa Cabanatuan City, Nueva Ecija.
Ayon kay Police Col. Ferdinand Germino, Nueva Ecija police chief, hinagip ng pickup truck na minamaneho ng 45-anyos na lalaki ang motorsiklo ng biktima, at bumangga sa siyam iba pa.
Sinubukang tumakas ng drayber matapos ang insidente ngunit tinugis siya ng mga awtoridad.
Naharang ito sa checkpoint ng Commission on Elections sa Maharlika Highway in Barangay Sumacab Este ngunit muling nakatakas.
Nawalan ng kontrol ang drayber at kalaunan ay bumangga sa footbridge kung saan na ito nakorner ng mga awtoridad.
Umabot sa 10 motorsiklo at sasakyan ang nagtamo ng pinsala sa araro ng pickup.
Nahaharap ang suspek sa reckless imprudence resulting in homicide, physical injury, at damage to properties. RNT/JGC