MANILA, Philippines – Natagpuan ang bangkay ng isang babae sa loob ng maletang lumulutang sa isang ilog sa San Jose del Monte, Bulacan.
Nadiskubre ng isang residente ang maleta bandang alas-6 ng gabi at ini-report sa Barangay 188 sa Tala, Caloocan, kung saan may naiulat na nawawalang menor de edad.
Na-recover ng pulisya ang maleta bandang alas-8 ng gabi at kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon upang matukoy ang pagkakakilanlan ng biktima. RNT