Home NATIONWIDE ‘Bully’ ginantihan ng ice pick, tigok

‘Bully’ ginantihan ng ice pick, tigok

MANILA, Philippines – Patay ang isang 30-anyos na lalaki matapos saksakin ng ice pick ng kanyang kapitbahay sa Taytay, Rizal. Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nag-ugat ang krimen sa umano’y pambubully ng biktima.

Sinabi ni Rizal Provincial Police Director Col. Felipe Maraggun na inimbitahan ng suspek ang biktima upang pag-usapan ang kanilang alitan ngunit bigla niya itong sinaksak. Isinugod sa ospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival.

Inaresto sa follow-up operation ang 23-anyos na suspek na iginiit na ipinagtanggol lang niya ang sarili matapos silang magtalo dahil sa P70 na bayad na sinasabing para sa droga.

Aniya, tinulak siya ng biktima sa kwarto kaya napilitang gamitin ang ice pick na nasa ibabaw ng cabinet.

Mariin namang itinanggi ng kinakasama ng biktima ang akusasyong pambubully at sinabing dalawang beses nang sinaktan ng suspek ang kanyang partner noon.

Kasalukuyang nahaharap sa kasong murder ang suspek at nakakulong na sa Taytay Municipal Police Station. RNT