Home NATIONWIDE PBBM muling inakusahan ni Digong na gumagamit ng heroin

PBBM muling inakusahan ni Digong na gumagamit ng heroin

MAYNILA, Philippines — Muling inakusahan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng pagiging adik sa iligal na droga, at sinabing dahil sa matagalang paggamit nito ay maaaring hindi na makagalaw si Marcos pagsapit ng edad 80.

“Merong isang presidente na talagang bangag. [Hindi naman] buang, pero ‘yung bisyo ng droga long term ‘yan. Maging ulol si Marcos. Maybe constant use of heroin — aabot pa siguro siya ng 80, pero sa panahon na ‘yan, hindi na siya gumagalaw,” ani Digong.

Ginawa ni Duterte ang pahayag sa proklamasyon ng mga senatorial bets ng PDP sa Club Filipino, San Juan City noong Huwebes.

Ayon kay Duterte, ang umano’y paggamit ni Marcos ng heroin ay magdudulot ng pangmatagalang epekto, at pagsapit ng 80, maaaring manatili na lamang itong nakatayo o natutulog sa kanyang silid.

Hindi ito ang unang beses na iniuugnay ni Duterte si Marcos sa droga; noong 2024, sinabi niyang may ebidensya mula sa Philippine Drug Enforcement Agency ukol sa umano’y paggamit ng pangulo.

Tinugunan naman ito ni Marcos sa pag-akusa kay Duterte ng paggamit ng fentanyl.

Dahil sa isyu, inamin ni Unang Ginang Liza Araneta-Marcos na iniiwasan niya si Bise Presidente Sara Duterte bunsod ng mga paratang ng dating pangulo. RNT