Home NATIONWIDE Abalos naniniwala, mga suspek sa Degamo slay ‘di tinorture

Abalos naniniwala, mga suspek sa Degamo slay ‘di tinorture

566
0

MANILA, Philippines – Naniniwala si Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos na hindi pinahirapan at sinaktan ng mga pulis ang mga suspek sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Sa ambush interview, pinagtibay ni Abalos ang pahayag ng Philippine National Police (PNP) na walang naganap na torture, salungat sa sinasabi ng mga suspek.

“Yes, I have full belief in the PNP,” ani Abalos.

Sinabi pa niya na inaresto ng mga pulis ang mga suspek sa pakikipagtulungan sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at National Bureau of Investigation (NBI).

“I would like to emphasize at this point ang nakahuli ay sanib puwersa ha ng military, police, and of course mayroon pang, tumulong na rin bandang huli ang NBI dito,” pahayag ni Abalos.

Kumpiyansa naman si Abalos na magtatagumpay ang mga kaso laban sa mga suspek sa kabila ng pagbawi nila ng naunang testimonya.

Aniya, maliban sa mga testimonya ay maaari ring gamitin laban sa kanila ang forensic evidence.

“Huwag kayong mag-alala kasi dalawa ang klaseng ebidensiya: Isa yung direct evidence o testimony at yung tinatawag na circumstantial o yung mga forensics na talagang magli-link sa isang tao,” giit niya.

Ani Abalos, siniguro sa kanya ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na matibay ang kaso laban sa mga suspek sa kabila ng pagbaligtad ng mga ito.

Matatandaan na sinabi ni Remulla na si
Negros Oriental Representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr. ang main mastermind sa pagpatay kay Degamo batay sa testimonya ng mga naarestong suspek.

Sa kabila nito, bigla namang umatras ang mga suspek at sinabing tinorture lamang sila ng mga pulis at militar. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here