MANILA, Philippines- Posibleng baguhin ng mga economic manager ng administrasyong Marcos ang kanilang growth targets.
Sa katunayan, ani Finance Secretary Benjamin Diokno, nakatakdang magpulong ang mga ito sa Oktubre 19, 2023.
Ang Development Budget Coordination Committee (DBCC) ay binubuo ng mga Kalihim ng Budget at Finance departments at National Economic and Development Authority (NEDA), at maging ang gobernador ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Rerebisahin aniyang mabuti ng economic team ang first semester ng “gross domestic product (GDP) performance, inflation, at government spending.”
Sa tanong kung gusto rin ng DBCC na baguhin ang growth targets, ang tugon ni Diokno ay, “There’s always a chance, based on the most recent information.”
Itinakda ng DBCC sa 6% hanggang 7% ang GDP growth target para 2023 at 8% para sa 2024 hanggang 2028.
Gayunman, bumaba ang economic growth ng bansa sa 4.3% sa second quarter, nakapagtala naman sa first half 2023 GDP growth rate ng 5.3%, mas mababa sa target range ng pamahalaan.
Dahil dito, kailangan ng ekonomiya na lumago ng 6.6% sa second half ng taon para makamit ang “least the lower-end” ng target.
“Well, I think the general sentiment, at least based on my conversation with the World Bank, globally everything was downgraded,” pahayag ni Dokno. Kris Jose