Home NATIONWIDE 3 PDL wagi sa BSKE

3 PDL wagi sa BSKE

135
0

MANILA, Philippines- Kinumpirma ni Commission on Elections Chairman George Garcia ang mga ulat na tatlong preso o persons deprived of liberty (PDLs), ang lumabas bilang mga nanalo sa katatapos na Barangay at SK elections.

Nilinaw ni Garcia na ang kanilang kandidatura ay pinahihintulutan hangga’t hindi pa sila nahahatulan ng anumang krimen.

Dalawa sa kanila ay mula sa Rehiyon ng Calabarzon at isa mula sa Rehiyon 10.

“Under the guidelines ng pinatupad ng Comelec, yung mga PDLs o mga persons deprived of liberty ay makakaboto as long as walang final judgement of conviction. Ibig sabihin ang mga kaso nila ay kasalukuyang nililitis o ang kanilang mga kaso ay naka-apila sa mas mataas na korte,” aniya.

“At dahil po dyan sila ay pinayagan bumoto at kumandidato,” paliwanag ng Comelec chair.

Ayon sa opisyal, ang mga nanalong PDL ay maaaring magsilbi sa kanilang mga nasasakupan kapag sila ay naabswelto sa mga kasong isinampa laban sa kanila.

Sinabi rin ni Garcia na magtutuloy-tuloy ang panunungkulan ng mga nanalong PDL kapag sila ay nakalaya o nakalusot sa kinahaharap na kaso.

Paliwanag pa niya, kapag person deprived of liberty at wala pang final at executory judgement of conviction, ibig sabihin ay hindi pa guilty sa ilalim ng batas. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here