Home ENTERTAINMENT Vilma at Boyet, may lovescene!

Vilma at Boyet, may lovescene!

205
0

Manila, Philippines – Isa ang When I Met You na pinagbibidahan nina Vilma Santos at Christopher de Leon sa sampung pelikula na kasali sa Metro Manila Film Festival 2023. Happy siyempre ang tinaguriang Star For All Seasons na napili ang kanilang pelikula sa taunang film festival.

Sabi ni Vilma, “Thank you, MMFF, for the trust. Team work ang movie na ito. Very simple love story but beautiful. Mayroong lessons ang movie — love has no boundaries, forgiveness, and moving forward in love and life. Simple but beautiful.”

Sabi pa ni Vilma na natatawa, “Sana panoorin ng tao ang sampung entries sa MMFF, pero unahin nilang panoorin ang When I Met You In Tokyo.”

Ang When I Met You In Tokyo ay istorya ng dalawang OFW sa Tokyo na sina ate Vi, bilang si Azon, at Christopher bilang si Joey, na nagkakilala, naging magkaibigan at naging lovers.

Sa pelikula ay may lovescenes sina ate Vi at Boyet.

Sa tanong kay ate Vi kung kumusta ang lovescenes nila ni Boyet, ang natatawa niyang sagot, “Abangan ninyo! ‘Yung scene namin na ‘yun ni Yetbo, first time naming ginawa.”

Hindi na nga mabilang ang pelikulang pinagsamahan nina ate Vi at Boyet katulad ng Broken Marriage at Relasyon, na mag-asawa ang role nila, pero wala sila ritong lovescene. Ngayon pa nga lang sila nagkaroon ng lovescene sa pelikula.

“For experience,” sabi pa ni ate Vi na natatawa.

“Si Yetbo pa ang nag-direk ng eksenang yun,” aniya pa.

Ang When I Met You In Tokyo ay idinirek nina Rado Peru at Rommel Penesa, with Christopher as associate director.

Unang handog ito ng JG Productions with Ma. Rowena Jamaji and Rajan Gidwani as executive producers.

Ang executive producer ay si Redgie A. Magno.

Ang When I Met You In Tokyo ay mapapanood na simula sa Pasko, December 25.

Kasama rin sa pelikula sina John Gabriel, Cassy Legaspi, Darren Espanto, Gabby Eigenmann, Lotlot de Leon, Jacky Woo, ang mag-asawang Lynn at Tirso Cruz, Kakai Bautista, at may special participation dito si Gina Alajar. Rommel Placente

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here