MANILA, Philippines – Pinayagan na ng Israel ang dalawang doktor na Filipino na makaalis ng Gaza, inanunsyo ni Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo De Vega nitong Miyerkules, Nobyembre 1.
Ani De Vega, nakikipag-ugnayan na ang DFA sa Israel upang isaprayoridad ang mga Filipino na makatawid sa border ng Egypt.
“Israel first allows the persons to exit Gaza and proceed to the Egypt border where they are processed by Egyptians for entry. The two Filipino doctors working with Doctors without Borders – an international humanitarian organization- are among the selected foreign nationals who have been allowed to exit Gaza and cross to Egypt. But this is just the initial list,” sinabi pa ni De Vega.
Posibleng mangyari umano anumang oras ang pagtawid ng mga evacuees. RNT/JGC