Home SPORTS Pagtapos ni Buakaw, Mayweather isusunod ni Pacquiao

Pagtapos ni Buakaw, Mayweather isusunod ni Pacquiao

152
0

MANILA, Philippines – Ipinaramdam ni Manny Pacquiao na malaki ang posibilidad na matuloy ang pinakahihintay na boxing rematch nila ni ng mortal na katunggaling si Floyd Mayweather Jr.

Ito ang inihiyag ng Pambansang Kamao ng maging panauhin ito sa Rizin Fighting Federation sa Saitama Super Arena sa Japan noong Bisperas ng Bagong Taon.

Sa isang tanungan portion, tinanong si Pacquiao ni Rizon CEO Nobuyuki Sakakibara kung makikipagbakbakan siya kay “Floyd Mayweather” ngayon taon.

Tahasang sumagot si Pacquiao na siya ay “handa” at tumango.

“I’m sorry for the last time that we promised that I will fight this yer, like Sakakibara-san explained,” ani ng Filipino boxing icon.

“Ngayong 2024, sana makita kita ulit sa Japan na may malaking laban kontra sa…”

Luminga-linga si Pacquiao, pagkatapos, ay tumingin sa paligid para kay Sakakibara at pagkatapos ay sumagot ng “Floyd Mayweather.”

“Floyd Mayweather. Akala ko ayaw mong sabihin ko ‘yan,” banat ng dating fighting senator.

“I’m excited for that. Thank you for all your support in Rizin, all these promotions, and thank you Sakakibara-san,” dagdag nito.

Sa ngayon, wala pang opisyal na anunsiyo mula sa kampo ni Mayweather.

Noong 2015, nagkaharap ang dalawang boxing titans. Tinalo ng Amerikano si Pacquiao sa pamamagitan ng unanimous decision.

Makakaharap ng Pinoy ang Muay Thai superstar na si Buakaw Banchamek sa Abril ngayong taon sa isang exhibition match.JC

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here