Home ENTERTAINMENT Ivana, taken na!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Ivana, taken na!January 5, 2024 16:001870 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Single no more.Ito na ngayon ang estado ni Ivana Alawi as she talks about how happy she is for having found–well, hopefully–Mr. Right.Walang ibinigay na clue ang actress-vlogger tungkol sa pagkakakilanlan ng kanyang nobyo except that non-showbiz guy daw ito.Hangga’t maaari raw kasi ay hindi niya bet makipagrelasyon ng taga-showbiz.Ivana offers a simple explanation why: “Selosa kasi ako!”Ani Ivana, taglay raw ng kanyang nobyo ang mga katangiang hinahanap niya.Pagmamalaki niya: “Siya ‘yung guy na walang kayabang-yabang sa katawan!”Ang biggest turn-off daw kasi niya ay mga hambog na lalaki.So, ito na ba ang lalaking pakakasalan niya?Pabiro niyang sabi: “Puwede na akong mag-asawa…char!”But seriously, ang ideal marrying age daw niya’y pag tumuntong na siya ng 30.Sa ngayon kasi ay 27 pa lang siya.“At saka dapat pumasa siya sa mommy ko!” pahabol niya.Minsan nang binanggit ni Ivana na kahit she has foreign blood ay Pinoy pa rin ang gusto niya.Which means na Pinoy ang non-showbiz dyowa ni Ivana!Pasasaan ba’t makikilala rin kung sinuman ‘yon, sa showbiz pa? Ronnie Carrasco III