Home NATIONWIDE PNP may sapat na pwersa sa sabay na pagbisita ni Widodo at...

PNP may sapat na pwersa sa sabay na pagbisita ni Widodo at Traslacion 2024

MANILA, Philippines – Siniguro ng Philippine National Police (PNP) na may sapat na pwersa ng mga pulis sa pagbisita ni Indonesian President Joko Widodo at Pista ng Itim na Nazareno, sinabi ni PNP spokesperson Colonel Jean Fajardo sa public briefing nitong Biyernes, Enero 5.

Nagkataong nagkasabay pa ang dalawang event na ito sa Enero 9.

“May sapat naman tayong tauhan and this will not be the first time na ang PNP po ay magpo-provide po ng security coverage sa magkakasabay po na major events,” ani Fajardo.

Mayroon na ring security template kapag dumarating ang isang foreign dignitaries, katulad ni Widodo, sa bansa.

Nakatakdang bumisita ang Indonesian president sa Pilipinas mula Enero 9 hanggang 11.

Nakatakda itong makipagpulong kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Enero 10.

Ang Presidential Security Group ang close-in protection unit para sa pagbisita ni Widodo at sa iba pang bumibisitang head of state.

Magpapadala rin ang PNP ng karagdagang pwersa para masiguro ang kaligtasan sa dalawang okasyon. RNT/JGC

Previous articleMga operator, drayber pwedeng mamili kung saan bibili ng modern PUVs – LTFRB
Next articleIvana, taken na!