Home ENTERTAINMENT Pangalan ni Baby Mochi, ‘pinagtalunan’ nina Bossing at Pauleen!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Pangalan ni Baby Mochi, ‘pinagtalunan’ nina Bossing at Pauleen!February 1, 2024 14:161650 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Nagkakaisa ang obserbasyon ng karamihan nang ipasilip ni Pauleen Luna ang larawan ng kanyang bagong silang na anak.Mukha raw eight to nine months na si Baby Mochi.Via caesarian section iniluwal ni Pauleen ang ikalawang anak nila ni Bossing Vic Sotto.Kung titingnan ang mga labi nito, walang dudang minana ‘yon mula kay Pauleen.And for a newborn baby, ang lago ng buhok nito!Pero alam n’yo bang “pinagdebatehan” pa kung ano ang ipapangalan sa bundle of joy ng Sotto couple?Baby Mochi’s complete first name is Thia Marceline.Kinuha ang Thia from Pauleen’s mom Cynthia na Mommy Chat din ang tawag.Ganoon na lang ang tuwa ng lola ni Baby Mochi.Hirit naman ni Bossing, dapat daw ay pangalan ng either parent niya ang isunod sa anak.Hence, ang Marceline ay hango sa Marcelino, pangalan ng ama ni Bossing.Nagkasundo rin ang mag-asawa na ang itawag sa baby bilang palayaw nito’y Thia para malapit sa pet name na Tali (Talitha), their eldest child.Pagbibida ni Pauleen, sobrang excited daw si Tali sa kanyang baby sister.Ang nakaka-touch pa raw, Tali always checks on her kung kumusta na after giving birth.Ang tanong ng karamihan: naghahabol ba si Bossing na magkaroon ng lalaking anak kay Pauleen?Bata pa naman si Pauleen kaya keri pa! Ronnie Carrasco III