Home NATIONWIDE Safety certificates ng barko, water taxi na sangkot sa banggaan sa Batangas,...

Safety certificates ng barko, water taxi na sangkot sa banggaan sa Batangas, sinuspinde ng PCG

175
0

MANILA, Philippines – Sinuspinde ng Philippine Coast Guard (PCG) ang Ship Safety Certificates ng dalawang sasakyang pandagat na nagbanggaan sa kalapit na karagatan ng Batangas City habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente.

Layunin ng imbestigasyon na isinagawa ng Maritime Industry Authority (MARINA) at ng PCG ay tukuyin kung sino ang responsable sa banggaan.

Ang insidente ay nangyari sa Matoco Port sa Batangas alas 12:20 ng tanghali noong Miyerkules na kinasasangkutan ng MV Ocean Jet 6 at Hap and Go water taxi.

Ang pagbagsak ay humantong sa pagkamatay ng dalawang indibidwal mula sa serbisyo ng water taxi.

Ayon kay PCG Spokesperson Rear Admiral Armando Balilo, dalawa ang nasawi at may dalawang injured na sakay ng water taxi habang ang lahat ay nasa maayos na kalagayan.

Dagdag pa ni Balilo, hinatak na ang water taxi patungong Mindoro.

Pinag-aaralan na rin kung magre-request ng suspension ang Coast Guard District Southern Tagalog laban sa dalawang sasakyang pandagat.

“Ipapatawag po ang crew ng magkabilang sasakyang pandagat na involved at ang unang unang titingnan dito, kung natupad ba yung safety protocols At titingnan din kung yung mga barko ay nasa tamang lugar,” sabi ni Balilo.

Samantala, magsasagawa naman ng imbestigasyon ang MARINA sa seaworthiness ng dalawang barko.

“Yung kino-conduct ng MARINA na investigation is safety… Casualty Safety Investigation. Kung ano po ang mga factors na nag-lead po dun sa incident,” sabi ni MARINA Spokesperson Ivy Fampo. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here