Home NATIONWIDE DOLE: P800 minimum wage para sa TUPAD beneficiaries fake news

DOLE: P800 minimum wage para sa TUPAD beneficiaries fake news

122
0

MANILA, Philippines- Nagbabala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa publiko laban sa maling impormasyon sa pagkuha ng mga benepisyaryo sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) Program.

Sa isang post sa social media, pinabulaanan ng DOLE ang mga post na nagsasabing ang mga benepisyaryo ay makakukuha ng P800 araw-araw, na idiniin na ang minimum na sahod para sa programa ay nakabatay sa mga rate na itinakda ng kani-kanilang regional wage boards.

“The highest minimum wage in the country is PHP610 in the National Capital Region. The post also erroneously used the logo of the National Labor Relations Commission –a quasi-judicial agency attached to the DOLE mandated to adjudicate labor and management disputes and is not connected to the TUPAD Program,” anang ahensya.

Hinimok din ng DOLE ang publiko na agad na isumbong sa kanila kapag may natanggap na anumang impormasyon kaugnay sa hindi awtorisadong paggamit ng programa.

“You may reach us through the DOLE Hotline 1349 or the nearest DOLE office in your area, with corresponding contact numbers published on the Department’s official website www.dole.gov.ph/key-officials/,” ayon pa sa DOLE.

Ang TUPAD progam ay community-based package na assistance nagbibigay ng safety net sa mga mahihirap na manggagawa na may edad 18 taong gulang pataas sa pamamagitan ng pansamantalang sahod sa trabaho. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here