MANILA, Philippines – Ipinamahagi ni Mayor Francis Zamora ang 13,000 pares ng customized-rubber na sapatos sa lahat ng mga mag-aaral sa pampublikong paaralan mula kinder hanggang grade 12, ang una sa kasaysayan ng San Juan City, na bahagi ng isang mahalagang komprehensibong programa sa edukasyon ng lungsod.

Ang mga sapatos na natanggap ng mga estudyante ay espesyal na idinisenyo at ginawa para sa mga estudyante ng San Juan.
“Ako po ay natutuwa sapagkat sa araw na ito ay natupad ang aking pangarap na mahandugan ang lahat ng mga public school students ng San Juan ng libreng Makabagong San Juan rubber shoes. Ito po ang kauna-unahang pagkakataon na mangyayari ito sa kasaysayan ng San Juan. Kaya sa umagang ito, kayo ang unang 650 estudyante na makakatanggap ng Makabagong San Juan rubber shoes,” ani Mayor Zamora.







