MANILA, Philippines – Nailigtas ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 2-anyos na bata na muntik nang malunod sa Catbalogan City, Samar nitong Linggo, Marso 31.
Ayon sa PCG, namataan ang bata 10 metro mula sa baybayin ng Buri Baras Beach sa Barangay Estaka bandang 4:30 ng hapon.
Wala nang malay ang bata nang masagip kung kaya’t isinagawa ni CG Seaman First Class (SN1) Joseph Antipuesto ang cardio pulmonary resuscitation o CPR.
Kalaunan ay nagkamalay ang bata at isinugod sa ospital. Sa ngayon ay nasa maayos nang kondisyon ang paslit.
Nitong nagdaang Semana Santa, hindi bababa sa 19 ang naitalang kaso ng pagkalunod sa buong bansa. RNT/JGC