Home NATIONWIDE Oras ng trabaho sa mga korte binago sa matinding init – SC

Oras ng trabaho sa mga korte binago sa matinding init – SC

146
0

MANILA, Philippines- Dahil sa nararanasan sa bansa na mapanganib na “heat index”, iniutos ng Supreme Court (SC) ang pagkakaroon ng flexible work arrangement sa lahat ng mababang korte sa bansa.

Sa inilabas na circular ni SC Court Administrator Raul Villanueva, ang mga judge at lahat ng kawani ay maaring magtrabaho mula alas-7:30 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon.

Ang trabaho naman tuwing Sabado ay mula alas-7:30 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali.

Magiging epektibo ang naturang kautusan mula April 5 hanggang May 31.

Sinabi ni Villanueva na ipatutupad ang naturang work arrangement sa mga trial court upang maiwasan ang mga komplikasyon sa kalusugan dulot ng matinding init.

Una nang nagbabala ang PAGASA ukol sa mataas na heat index sa 10 lugar sa bansa simula noong Marso 31. Teresa Tavares

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here