Home NATIONWIDE WPS ruling binanggit ni Digong sa unang pulong kay Xi – Panelo

WPS ruling binanggit ni Digong sa unang pulong kay Xi – Panelo

102
0

MANILA, Philippines- Ginamit ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang arbitral tribunal ruling upang igiit ang sovereign rights ng bansa sa West Philippine Sea sa kanyang unang pakikipagpulong kay Chinese President Xi Jinping.

Binigyang-diin ito ng dating tagapagasalita at chief legal counsel ni Duterte na si Salvador Panelo nitong Biyernes sa gitna ng umiigting na pagkondena sa umano’y kasunduan ng dating Pangulo sa China ukol sa West Philippine Sea.

“Nag-uusap po kami kagabi (Thursday) ni President Duterte, inaalala namin ‘yung exchange nila ni President Xi. Naalala ko, maganda ‘yung usapan nila, bandang huli pinasok niya ‘yung usapan nila sa arbitral ruling,” pagbabahagi ni Panelo sa press conference sa Club Filipino sa San Juan City.

Tinutukoy ni Panelo ang bilateral meeting nina Duterte at Xi sa Beijing noong 2019.

Subalit, ayon kay Panelo, nagbago ang timpla ni Xi nang banggitin ni Duterte ang July 2016 Permanent Court of Arbitration award.

“Nagulat kami sa reaction ng mama (Xi), nung kabila. Sabi niya: ‘Do not force that, because if you force that, there will be trouble.’ Shocked kami lahat eh,” ani Panelo.

Sa kanila ring phone conversation noong Huwebes ng gabi, sinabi ni Panelo na itinanggi ni Duterte na nakipagkasundo siya sa China hinggil sa West Philippine Sea, na taliwas sa dati niyang kasamahan sa ilalim ng Duterte administration na si Harry Roque, na nagsiwalat ng kasunduan noong Marso.

“Kahit na after [the talks with Xi Jinping], walang nangyaring ganoon,” sabi pa niya.

“Eh kami na ngang Cabinet members vina-validate namin ang sinabi ni Presidente Duterte eh,” dagdag ni Panelo.

Patuloy na inaangkin ng Beijing ang halos kabuuan ng South China Sea, kabilang ang malaking bahagi ng West Philippine Sea, kahit na ibinasura ito sa July 2016 international tribunal ruling mula sa kasong inihain ng Manila noong 2013. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here