MANILA, Philippines- Sugatan ang tatlong bumbero na kapwa nagtamo ng minor injury habang patuloy na inaapula ang sunog sa residential area sa Lope de Vega St., sa Sta. Cruz, Manila.
Sa kasalukuyan ay nanatiling nasa ikalawang alarma ang sunog na tumutupok sa mga gawa sa kahoy at may kalumaang mga bahay.
Napag-alaman na pumiglas ang gamit na hose at nagwasiwas dahilan para tamaan ang dalawang bumbero kaya nagtamo ng mga pasa at tinamaan sa panga.
Habang ang isa naman ay nasugatan ang paa dahil sa pagtatangkang buksan ang bahay para maagapan ang pagkalat ng apoy sa pamamagitan ng pagtadyak sa flywood ngunit lumusot ang kanyang paa hanggang sa madulas papasok sa bahay.
Patuloy pang inaapula ang sunog sa mga oras na ito. Jocelyn Tabangcura-Domenden