Home NATIONWIDE BJMP: Walang sensitibong datos na nakompromiso sa hacking

BJMP: Walang sensitibong datos na nakompromiso sa hacking

133
0

MANILA, Philippines- Tiniyak ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na walang private data ng ahensya ang nakompromiso kasunod ng naganap na cyber security breach sa website ng ahensya.

Sinabi ng BJMP na wala personal at sensitibong data ang naging alanganin matapos matapos ang cybersecurity breach na ginawa ng Philippines Exodus Security (PHEDS), ang hacker group na kilala na tuma-target sa mga government websites.

Kasalukuyang sumasailalim ang naturang website sa maintenance at ililipat sa mas ligtas na platform.

Sinimulan na rin ang malalimang imbestigasyon ng BJMP Directorate for Information and Communications Technology Management (DICTM).

Kabilang sa mga ipinatupad na hakbang ng DICTM ay ang pagbago sa password at pagbusisi sa posibleng data loss.

Lumalabas sa validation na naisagawa ang unauthorized access dahil sa lumang security patches kung kaya hindi na kaya ng Content Management System (CMS) platform na maglaan ng technical support. Teresa Tavares

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here