Home OPINION PASIL

PASIL

181
0

PASIL, isang napakalayong lugar na ramdam ko ay ngayon mo lang nalaman. Naroon ito sa probinsya ng Kalinga.

Pero walang malayo-layo na lugar kung ang ating pag-uusapan ay ang Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict sa probinsyang ito.

Mararating at mararating ng mga miyembro ng PTF-ELCAC ang anomang layo ng isang lugar upang mag-alay ng serbisyo. Noon Martes, March 19, ang task force ay bumiyahe sa Barangay Bagtayan, isang liblib na lugar sa Pasil, at inalam sa mga residente doon kung ano ang pinakakailangan nila upang ang kanilang lugar ay kahit papaano ay umunlad naman.

Ang mga opisyal at mamamayan sa barangay na iyon ay agad na nagsabi na kailangan nila ay ‘konkretong daan upang guaman-gaan naman ang kanilang pagbibiyahe, lumakas ang kalakaran, at maihatid ang kanilang mga ani sa ibang lugar.

Pagtatanim ang kariniwang kabuhayan ng mga taga-roon. Humingi rin sila na sana ang pamahalaan ay makapag-bigay ng irigasyon at iba pang kabuhayan ‘showcae’ upang mapalakas nila ang agrikultura at maiangat ng kaunti ang antas ng kanilang kabuhayan.

Ipinangako naman ng PTF-ELCAC at ng mga kaagapay nitong mga ahensiya ng pamahalaan na sisikapin nilang maibigay ang kahilingan ng mga taga-Barangay Bagtayan at gagawin daw itong prayoridad.

Bukod sa talakayang iyon, nagbigay ang task force sa mga taga-Bagtayan ng mga serbisyong medical, dental, libreng-gupit, bloodletting, at pagpapatuli sa mga batang kalalakihan. Kasama kasi ng PTF-ELCAC ang DOH-Kalinga, RHU-Pasil, at iba pang unipormadong miyembro ng pamahalaan.

Nanguna sa PTF-ELCAC caravan na ito si Gov. James S. Edduba, DILG-Kalinga Provincial Director Anthony Manolo Ballug, Pasil Mayor Alfredo Malannag Jr., Fernando Cosidon ma kinatawan kay  Representative Allen Jesse Mangaoang, at mga kawani at opisyal ng national government offices, PNP, at AFP.

Naisama pa nga ang kalapit na Barangay ng Galdang.

Ang serbisyo caravan na iyon ay bahagi ng misyon ng task force na mailapit ang pamahalaan sa mga malalayong barangay na kalimutan ay naiipit sa mga panggugulo ng mga komunistang-terorista ng CPP-NPA-NDF.

Sabi nga ni Mayor Malannag Jr., masusuklian ng mga taga-Barangay Bagtayan, ang pagsisikap na ito ng PTF-ELCAC sa pagtalikod nila sa sapilitang pagsuporta sa mga CPP-NPA-NDF at makiisa sa pamahalaan na lamang para maitaboy o mawala ang mga pesteng rebelde sa kanilang lugar.

Dagdag pa ni Mayor, bukas-palad na tatanggapin ng pamahalaan ang sinomang rebeldeng magbabalik-loob at bibigyan pa ng suporta upang naibangon ang kanilang kabuhayan sa paghihirap.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here