Home NATIONWIDE Mag-asawang nagmaltrato ng kasambahay pinakakasuhan na sa korte

Mag-asawang nagmaltrato ng kasambahay pinakakasuhan na sa korte

114
0

MANILA, Philippines- Pinakakasuhan na ng Department of Justice sina Franilyn “Franz” at Pablo “Jerry” Ruiz ang mag-asawang inireklamo ng kanilang kasambahay na si Elvie Vergara ng pagmamaltrato.

Inirekomenda ni Assistant State Prosecutor Jayvee Laurence Bandong na maisampa sa korte ang mga kasong Serious Illegal Detention at Serious Physical Injuries laban sa mga dating employer ni Vergara kasama ang anak ng mga akusado na si Danica Jerlyn Garcia Ruiz.

Sa 25-pahinang resolusyon, kumbinsido si Bandong sa mga naging salaysay ni Vergara ng pisikal na pag-aabuso mula taong 2020.

Sinabi ni Vergara na dumanas siya ng matinding pambubugbog na nagresulta sa pagkabulag ng kanyang kanang mata at malubhang pagkasira ng kaliwang mata.

Napatunayan sa medico legal certificates na dumanas si Vergara ng paulit-ulit na pananakit mula sa pamilya Ruiz.

Hindi tinanggap ng DOJ ang depensa ng pamilya Ruiz na may problema sa pag-iisip si Vergara at ayaw umano nitong magpagamot sa ospital.

Kung totoo aniya na may problema sa utak si Vergara, dapat pinaalis na agad ito sa tahanan ng mga Ruiz dahil delikado kung mananatili sa kanila ang isang kasambahay na may mental health issue.

Samantala, ibinasura ng piskalya ang kasong Anti-Trafficking in Persons Act of 2023 laban sa mga respondent. Teresa Tavares

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here