Home NATIONWIDE Comelec nakapagtala na ng 1.9M bagong botante

Comelec nakapagtala na ng 1.9M bagong botante

152
0

MANILA, Philippines- Malapit nang maabot ng Commission on Elections (Comelec) ang 2-million mark para sa bagong voter registrants bago ang may 2025 polls.

Sinabi ng Comelec na mayroon nang 1,920,887 bagong voter registration mula sa lahat ng rehiyon sa bansa kabilang ang mula sa pangunahing tanggapan nito sa Intramuros, Maynila nitong Abril 8.

Halos doble ang nasabing bilang ng 1 milyong bagong registrants na naitala sa nakalipas na mga buwan.

Nauna nang sinabi ng Comelec na target nito ang 3 milyong bagong botante bago ang midterm elections.

Sinabi naman ni Chairman George Garcia na malayo pa ito sa target na bilang ng mga bagong botante.

“It’s still a long way to go. We will still double our efforts and we have to reach the furthest places and bring our service to the communities,” sabi ni Garcia.

“Our efforts are more focused on the vulnerable sectors and the youth,” dagdag pa niya. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here