Home HOME BANNER STORY Tigil-pasada ng Piston, Manibela walang epekto sa public transpo – MMDA

Tigil-pasada ng Piston, Manibela walang epekto sa public transpo – MMDA

135
0

MANILA, Philippines — Sinabi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na walang naitalang pagkaantala sa pampublikong transportasyon ang idinaos na tigil-pasada ng mga transport group ngayong Lunes, Abril 15.

Sa pulong balitaan, simabi ng MMDA na wala sa 400 sasakyan na naka-standby nila ang kailangang ipadala.

“So far, as of this morning [ay] wala naman pong disruption sa pampublikong transportasyon. Maayos po ang lagay ng mga byahe ng mga jeepneys,” ani MMDA Chairperson Romando Artes.

“In fact, wala pa po tayong na deploy na Libreng Sakay. Out of around 400 vehicles, na naka standby para sa augmentation natin kung sakaling kailangan… So far, as of this morning before our press conference, ay wala pa po tayong nade-deploy,” dagdag pa niya.

Nagsimula ngayong araw ang transport strike ng mga grupong Piston at Manibela bilang pagtutol sa sinabing hindi na palalawigin ang deadlime ng consolidation ng Public Utility Vehicle (PUV).

“According sa pakikipag usap natin sa mga transport [groups], particularly doon sa mga miyembro nitong dalawang grupo [ay] bi-byahe raw muna sila bago po sumama sa tigil pasada,” sinabi ni Artes.

“D’yan natin makikita na ito pong mga tigil pasada na panawagan ng mga dalawang grupo — ang number one na naaapektuhan dyan ay ang kanilang mga miyembro. Bakit? Dahil sa kanilang pag tigil pasada, nawawalan sila ng kita,” dagdag pa ng opisyal.

Ayon kay Artes, binigyan na ng sapat na panahon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang transport groups para.makapag-comply sa PUV consolidation, na unang hakbang sa PUV modernization program. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here