
MANILA, Philippines – NASA 60 katao na nalulong sa ipinagbabawal na gamot (PWUDs) ang nagtapos mula sa Bidahan ang community-based treatment and rehabilitation program (CBDRP) ng lokal na pamahalaang lungsod ng Navotas.
Sa ilalim ng Bidahan, anim na buwan ang isasagawang Community-Based Drug Rehabilitation Program (CBDRP) at anim na buwan pang aftercare.
Ang mga nagsipagtapos ay kabilang ang 20 mula city’s primary care program at 13 galing sa barangay CBDRP samantalang 27 ang nagtapos sa aftercare program.
Ang mga lumahok sa programa ay sumailalim sa lingguhang psychoeducation lectures, counseling sessions, group therapy sessions, relapse prevention sessions at life skills training.
Dumaan din sa random drug testing upang matiyak ang pagsunod sa programa.


Binati ni Mayor John Rey Tiangco ang mga sumasailalim na kalahok ng Bidahan sa serye ng counselling sessions sa loob ng anim na buwan, at random drug testing para masiguro ang pagsunod nila sa programa. JOJO RABULAN





