Home NATIONWIDE Itlog lumiliit sa tag-init

Itlog lumiliit sa tag-init

202
0

MANILA, Philippines- Hindi lamang nagdudulot ng pagkatuyot ng water sources at nagpapataas ng global temperatures ang ang El Nino phenomenon, nakaaapekto rin ito sa produksyon ng itlog sa Pilipinas, ayon sa Philippine Egg Board Association nitong Huwebes.

Sinabi ni Egg Board president Francis Uyehura na nagreresulta ang matinding init sa pagkawalang-ganang kumain ng mga manok, na nagdudulot ng mas kaunti at mas maliliit na mga itlog.

“Generally, lahat ng farm producer ay nakakaranas na ng problema sa sobrang init. Number one na epekto ng sobrang init ay ‘yung paghina ng pagkain ng manok na resulta ng pagbaba ng egg production at pagliit ng sizes. Nagkakaroon ng imbalance, mas marami yung maliliit,” aniya sa isang panayam.

Nagbabala siya na tumaas ang chicken mortality bilang resulta ng matinding init, na mas malala sa hilagang bahagi ng bansa.

“The intense heat will not have an effect on the nutritional value of the egg, the problem is the eggs are getting smaller. If before, farmers are getting large or XL eggs, now there are more small or even extra small eggs,” anang opisyal.

Nahaharap ngayon ang poultry farmers sa labis na suplay ng maliliit na itlog, na kasalukuyang ibinebenta sa mas mababang halaga.

Binanggit niya na bumaba rin ang egg consumption dahil sa kakulangan ng kaganapan sa gitna ng maiinit na mga buwan maging pagtaas ng bilang ng kanseladong school days dahil sa init.

Sa kasalukuyan ay pumapalo ang presyo ng medium-sized eggs saP4.50-P5.40 kada piraso, depende sa lugar, base kay Uyehura.

Binanggit niya na ang maliliit na itlog at tinutukoy na medium dahil inuuri ang mga itlog base sa timbang. “Kaya meron itlog na maliit pero mabigat at malaki na itlog pero magaan,” paliwanag niya. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here